• Home   /  
  • Archive by category "1"

Essay About Pasko

Bambino de Belen3:26am, 14 October 2008

Nais ko pong ibahagi ang aking Essay na ginawa for Christmas:

ANG PAGDIRIWANG NG PASKO: ISANG MAHALAGANG PAGNINILAY
Ni: Lance Eli B. Silva

Sa aming Tahanan ( kung nasa bahay laamng ako tulad nuong nasa elementarya at haiskul pa ako), Hindi ako natatahuimik kapag wala ni isang katiting na dekorasyong Pampasko sa aming tahanan pagdating ng unang araw ng Setyembre. Hinahalungkat ko ang halos mga lagayan sa kwarto naming para lamang makakuha ako ng mga pangsabit sa pinto na ginamit nuong nakaraang Pasko, para lang isabit muli. Ang Christmas tree ay huli na naming itinatayo, mga Nobyemre o Disyembre na namin ito itinatayo.

Tulad ng halimbawang ito, tayong mga Pilipino ay nananabik sa pagsapit ng Pasko. Sa nakararami, pagtuntong pa lamang ng buwan na may ‘ber’ ay nagsisimula nang magkabit ng mga Pamaskong dekorasyon, o di naman kaya ay magpatugtog ng mga awiting Pamasko. Sa mga istasyon ng radio, makakapakinig ka na rin nito, subalit kahit paulit-ulit ay hindi naman pinagsasawaang pakinggan. Ang iba naman ay nagsisimula nang maghanap ng mga pangregalong mura pero magaganda na ibibigay sa mga inaanak at mga mahal sa buhay. May ilan nang nag-iipon o nagbabadyet para sa Noche Buena, at maraming marami pang ibang uri ng paghahanda mayroon ang mga Pilipino kung sasapit ang Pasko. Patunay ito na ang Pasko ay may malalim na pakahulugan para sa atin.

Bilang Kristiyanong bansa sa Asya, ang Pilipinas ay kilala sa buong mundo bilang Bansa na may pinakamahabang Pasko. Marahil na rin siguro, daig pa sa ating Pasko ang mga “Winter Wonderland” o “White Christmas” ng mga taga-Amerika o mga taga-Europa. Ang opisyal na simula ng Pasko sa Pilipinas ay sa ika-16 ng Disyembre, kung saan, ito ang simula ng tradisyong tinatawag na “Misa de Gallo” o Simbang Gabi, na siyang misa-nobenaryo para sa pag-aantay sa pagdating ng ika-25 ng Disyembre kung saan ito na ang mismong Araw ng Pasko. Natatapos naman ang Pasko sa Araw ng Epipanya o sa ilang lugar tulad sa Nueva Ecija at Marinduque, ay sa ika-6 ng Enero na tinatawag na “Three Kings.” Ang tradisyong ito ay kung saan, maroong 3 kalalakihang lumilibot na nakadamit-hari, at bawat mga batang kanilang madaanan ay kanilang binibigyan ng mga kendi. Ang Epipanya naman ay unibersal na pagdiriwang ng Wakas ng Pasko sa Kalendaryo ng Simbahan kung saan, ginugunita ang pagdalaw ng 3 Mago sa kinaroroonan ni Jesus, na ang gumabay sa kanila ay ang talang maliwanag.

Kaya naman sa inspirasyon ng unang Pasko ay nagkaroon ng pagbibigayan ng regalo. Mula sa mga ninong at ninang, hanggang sa pagbibigay natin nito sa mga mahal natin sa buhay. Sa amin, ang ginagawa ko ay tuwing ika-24 ng Disyembre, Bisperas ng Pasko, ay may mga laan akong mga regalo para sa mga bata sa lugar namin, at bawat isa ay may numero, at kung ano ang mabunot nilang numero sa palabunutan, iyon ang makukuha nila, ang laman ng mga regalo, ay iba’t-ibang mga tsokolate. Sa simpleng regalong ito na ipjinamimigay ko sa mga bata sa amin, ditro ko nakikita ang pagpapahalaga ko sa pagdiriwang, at saka, pamamaraan ko na rin ito para ibahagi ang mga biyayang natanggap ko sa buong taon, at itinaon kong Pasko para mas masaya. Ang makita sa kanila ng mga ngiti at mga salita ng pagpapasalamat sa kanila ay sapat na upang maramdaman kokaligayahan sa aking puso. Ang pagbibigay natin nito ng regalo ay bunga na rin ng pag-alala na tayo ay biniyayaan ng pinakadakilang regalo sa sangkatauhan, at iyon ay ang pagparito ng bugtong na Anak ng Ama, na si Jesus, na dahilan ng ating katubusan sa pagkakagapos ng sanlibutan sa kasalanan.

Ang Pasko ay ang Pagdiriwang ng buhay, buhay na si Kristo ang nagbigay sa atin. Ito ay isang tunay na manipestasyon kung paanong iniibig tayo ng Diyos. Kaya naman, asng Pasko ay naganap dahil sa hiwaga at misteryong bumabalot sa kamalayan ng Diyos, at lalo na ang kanyang pag-ibig na di nagmamaliw. Ang Pasko ay hindi lamang regalo, dekorasyon noche buena o iba pa. Kung bibigyang lalim ang kahulugan ng pagdiriwang nito, wala itong ibang nais iparating sa atin, kundi ang mensahe ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos, na siyang naganap ng ang Bugtong na Anak ng Diyos ay nagkatawang-tao, at isinilang sa atin sa isang hamak na sabsaban, ng isang butihing Birhen, ang ating Inang si Maria.

Kaya naman, sa mahabang pagdiriwang ng Pasko natin dito sa Pilipinas, alalahanin natin at balik-tanawin natin ang naganap sa Bethlehem nuong unang Pasko, dalawang libong taon na ang nakakaraan. Pagnilayan natin kung gaanong iniibig tayo ng Diyos. Alalahanin natin ang mga biyayang ito na ipinagkaloob sa atin. Ito ang tamang panahon at pagkakataon, upang magpasalamat sa kanya. Sa ganitong pag-ibig ng Diyos, tunay na makikita sa bawat puso ng tao na buhay na buhay ang diwa ng Pasko. Muli, ang Pasko ay dahil kay Kristong nagliligtas at nagmamahal sa atin.

Nawa ang tunay na diwa ng Pasko ay manatili sa ating mga puso at patuloy nating pagyamanin habambuhay. “MARANATHA: HALINA O JESUS AT MANAHAN KA SA AMING MGA PUSO!”

ISANG MALIGAYANG PASKO AT MASAGANANG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!!!

ANG Pasko ang pinakamasaya at pinakahihintay na pagdiriwang sa loob ng isang taon sa Pilipinas.

Sa pagtuntong pa lang ng sunod-sunod na mga buwang nagtatapos sa “bre’’  na tulad ng Setyembre, Oktubre, Nobyembre  at Disyembre at sa kasagsagan ng tag-ulan ay maririnig mo na mula sa mga himpilan ng radio ang pagpapatugtog ng mga awiting pamasko.

Kasabay nito ang taunang pagdaraos ng Christmas sales sa mga shopping mall at flea market pagkatapos-na-pagkatapos ng Todos los Santos (Nobyembre 1).

Ito rin ang panahong pinakaabalang-abala ang mga Filipino: nagsasiyaping ng mga pang-regalo, ng mga lutuin, panimpla at panahog sa pagkain o handang sinauna tulad ng dinuguan, puto at kutsinta, lechong baboy, murkon, kaldereta, kare-kare, pansit-luglog, puto-bumbong at minudo o pagkaing banyaga mula sa Amerika, Italya, at Francia.

Panahon din ito ng pamamasko sa mga lolo at lola, ninong at kamag-anak.

Panahon din ito ng pagpapadala ng mga sulat ng pagbati, pagsasabit ng makukulay na mga parol at mga palamuti tulad ng Christmas tree, Belen na naglalarawan ng Sagrado de Familia at ilang tagpo noong Unang Pasko 2,011 taon na ang nakalilipas.

Sa mahigit na 10 milyong Filipino na naninirahan sa ibayong dagat, ang Kapaskuhan ang nagsisilbing tagapaggunita sa kanila ng matatamis na mga alaala ng kanilang tinubuang-bayan na tulad ng – solemne o taimtim subalit masasayang mga banal na misa sa madaling araw, ng mainit at nakapagpapaluwag-hiningang salabat at ng nakabubusog na puto-bumbong, ng makukulay at kumuku-tikutitap na mga parol, ng nakapaglalaway na morcon, jamon, at keso de bola, ng pagbibigay–galang sa pamamagitan  ng  paghalik sa kamay ng mga nakatatanda.

Sa bisperas ng Pasko idinaraos ang reunion ng mga pamilya.

Pagkatapos ng Misa sa Hating Gabi o misa de gallo nagtitipon ang mga miyembo ng mag-anak sa bahay upang pagsaluhan ang nakaugaliang noche Buena.

Tampok ng pagtitipon ang bigayan o palitan ng kahit anong uri ng mga regalo.

Pinakamasaya itong gabi ng isang taon dahilan sa dito nagkikita-kita ang mag-iina at magaama, magkakapatid,at  magpipinsan upang kumain at maginuman nang sabay-sabay sa tradisyunal na hapunan sa hatinggabi.




One thought on “Essay About Pasko

Leave a comment

L'indirizzo email non verrà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *